Isko

Isko 1st Manila yorme na kinilala ng DILG pagsasaayos sa pananalapin ng lungsod

Edd Reyes Mar 4, 2025
14 Views

HIGIT pa sa pagkilala ang katumbas ng natanggap na “Seal of Good Financial Housekeeping” ni dating Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso noong siya pa ang alkalde ng Lungsod ng Maynila,

Ayon kay Domagoso, kandidato sa pagka-alkalde ng Maynila, ang pagkilala ay nagpapatunay lamang ng dedikasyon sa pagiging bukas sa pananaw ng publiko, may responsibilidad sa pananalapi, at wastong pamamahala na magdadala sa Maynila upang muling kilalanin bilang isang dakilang lungsod.

Napagkalooban sa kauna-unahang pagkakataon ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila ng prestihiyosong parangal ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa ilalim ng pamamahala noon ni Domagoso.

“Nakakatuwa ho na ang ahensya ng national government ay na-recognize ang efforts ng Manila local government. Trophy po ‘yan ng mga local government. Maselan pa ‘yang bagay kasi ang usapan ay pananalapi ng taumbayan,” sabi ni Domagoso.

“Mahirap po makuha ‘yon. Napakahirap po nun kasi hindi ka makakakuha ng Seal of Good Local Governance kung wala kang Seal of Good Financial Housekeeping. It is a prerequisite,” dagdag pa niya.

Ipinaalala nya na noong maupo siyang alkalde ng taong 2019, wala siyang inabutan na pananalapi ng taumbayan pero sa halip aniya na dibdibin ang suliranin, gumawa siya ng paraan upang pakilusin ang mga tanggapan sa lokal na pamahalaan na nakakabuo ng kinakailangang salapi, lalu na’t kailangang tustusan ng pananalapi ang paglilingkod sa gobyerno.

Pinalakas aniya nya ang koleksiyon ng buwis at isa rito ang pagkakaloob ng tax amnesty upang makatulong sa mga nagpupunyaging negosyante at mabayaran din ang utang ng mga nagmamay-ari ng lupa.

Inayos din aniya niya noon ay maling pamamahala sa paggamit ng pampublikong ari-arian na ipina-kontrata lang sa murang halaga at nagbibigay ng pabor doon lang sa mga kaibigan.

Ang lahat aniya ng kanyang pagsisikap na maisaayos ang pananalapi ng Maynila ang naging daan upang mapagtagumpayan niya ng maging kuwalipikado na mapagkalooban ng Seal of Good Financial Housekeeping.