Calendar

Isko support ng taga-Manila lumakas pa
IPINALALAGAY na malakas ang suporta ng marami sa kandidatura ni Francisco “Isko Moreno” Domagoso base sa huling event sa Ninoy Aquino Stadium.
Nagpahayag ang mga taga-Maynila ng pag-asang maibabalik ni Domagoso ang kapitolyo ng bansa sa kalinisan, kaayusan, katahimikan, at disiplina ng mamamayan.
Nagpahayag ng iisang pananaw ang mga miyembro ng Kaagapay ng Manileño at Kababaihan ng Maynila nang ilahad ang paniniwalang malaking pagbabago ang mangyayari sa oras na makabalik na sa puwesto si Domagoso.
Naniniwala rin ang running mate ni Domagoso na si Chie Atienza sa kakayahan ni Domagoso kaya’t tiniyak niya na buong-buo ang kanyang ipagkakaloob na suporta sa dating alkalde.
Maging sina 3rd District Councilor Tol Zarcal, at mga aspirante sa pagka-konsehal na nasa tiket ni Domagoso na sina 3rd District Councilor Bong Alvarez at 5th District Councilor Tol Mac Ignacio kumpiyansang magwawagi ang buo nilang tiket lalu na’t lumolobo pa ang bilang ng mga sumusuporta sa kanilang kandidatura.
Hinimok ni Manila 5th District congressional candidate Amado Bagatsing ang publiko na suportahan ang kandidatura nina Domagoso at Atienza.