Calendar
Japanese nat’l na wanted saTokyo ipa
KINUMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI) na ipadedeport na nila ang isang Japanese national na pinaghahanap ng mga awtoridad sa Tokyo dahil sa pandaraya at money laundering.
Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na ang 37-anyos na si Hiroyuki Kawasaki ay naaresto noong Agosto 14 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 habang siya ay pasakay ng Philippine Airlines flight papuntang Singapore.
Sinabi ni Tansingco na si Kawasaki ay mayroong derogatory record sa Interpol na nakita habang pinoproseso siya ng isang immigration officer.
Agad naman siyang ini-refer sa dagdag na pagsusuri kung saan naberipika ang kanyang pagkakakilanlan na kabilang din sa red notice ng Interpol.
Nakadetine ngayon si Kawasaki sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City kung saan siya nananatili habang naghihintay ng deportasyon.
Ayon kay Tansingco, nailagay sa watchlist ng BI si Kawasaki noong Agosto matapos sampahan ng deportation case dahil sa pagiging undesirable alien.
“Japanese authorities also alleged that Kawasaki was responsible creating several shell companies which he used to siphon the funds of legitimate corporations who engaged his services as their investment manager,” saad ni Tansingco.
Nabatid na ginamit ni Kawasaki ang ilang kumpanya upang makakuha ng malaking halaga sa kanilang mga biktima.
Agad ipababalik sa Japan ang pugante sa sandaling matapos ang kanyang aummary deportation proceedings.