Jeep

Jeep bumangga sa gutter; 1 patay, 3 sugatan

22 Views

ISA ang nasawi at tatlo ang nasugatan sa jeep na bumangga sa gutter nang mawalan ng preno sa Sampaloc Road, Sitio Bayucan Magnetic Hill, Brgy. Sampaloc, Tanay, Rizal noong Biyernes.

Namatay si Antonio Libutan Corpuz, 44, at sugatan sina Heloise Bolante Antioda, 44; Erica Joy Morales, 29; at Ricky Boy Bacong Catamora, 37, sa aksidente, ayon sa imbestigasyon.

Kinilala ang driver ng sasakyan na 39-anyos at residente ng Brgy. Ang Sta. Inez, Tanay, Rizal.

Dakong alas-12:45 ng tanghali nang mangyari ang aksidente habang tinatahak ng pampasaherong sasakyan (VCV 468) na may sakay na 30 pasahero na biglang nawalan ng preno at bumangga sa sementadong gutter ng kalsada.

Nagtamo ng injuries ang ilan sa mga pasahero.

Dinala ang mga sugatan sa Tanay General Hospital at Rizal Provincial Hospital System sa Morong, Rizal pero idineklara na dead-on-arrival si Corpuz.