Kristoffer

Jennylyn, Ruru, Jillian at iba pang Kapuso stars, makikisaya sa Araw ng Dabaw

Eugene Asis Mar 14, 2024
47 Views

JennylynRuruMAGIGING mas exciting at unforgettable ang 87th Araw ng Dabaw dahil dadalhin ng GMA Regional TV ang naglalakihang Kapuso stars ng “Love. Die. Repeat.,” “Asawa ng Asawa Ko,” “Black Rider,” at “Abot-Kamay na Pangarap” sa Davao City ngayong weekend.

Sa Sabado (March 16), handog ni Ultimate Star Jennylyn Mercado ng “Love. Die. Repeat.” ang isang love-filled Kapuso Mall Show sa Gaisano Grand Citygate Mall sa Buhangin, Davao City sa ganap ng 4 ng hapon. Kasama niyang maghahatid ng good vibes sina Sparkle artists Liezel Lopez at Martin del Rosario ng “Asawa ng Asawa Ko.”

Hindi pa rito nagtatapos ang fun at excitement dahil kinabukasan (March 17), magpapakilig at maghahatid ng ‘di matatawarang entertainment sina Primetime Action Hero at “Black Rider” star Ruru Madrid at “Abot-Kamay na Pangarap” actress at Star of the New Gen Jillian Ward sa isang masayang Kapuso Fiesta sa Ayala Malls Abreeza, Davao City sa ganap na 4 ng hapon. Makakasama pa nila ang kanilang co-stars at co-Sparkle artists na sina Kim Perez at Raheel Bhyria.

Nitong Biyernes (March 15), may special performance ang Sparkle artist at “Makiling” star na si Kristoffer Martin sa ginanap na Mutya ng Dabaw 2024 sa USEP Gymnasium at Cultural Center.

Kasama niya rito si GMA Synergy sportscaster at “24 Oras” Game Changer segment host Martin Javier na tumayong host sa nasabing event.

Siguradong tatatak na naman sa mga Kapuso ang selebrasyon ng Araw ng Dabaw ngayong taon dahil hangad ng GMA Network na maghatid ng saya saan mang sulok ng bansa.