Bayani

Kabayanihan ng 5 rescuers na nasawi habang nasa misyon inalala

34 Views

KINILALA ng Tingog Partylist, sa pangunguna nina Representatives Yedda Romualdez at Jude Acidre, at ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kabayanihan ng limang disaster responders sa Guiguinto, Bulacan na nasawi habang nasa misyon noong 2022.

Nasawi ang mga rescuer na sina George Agustin, Troy Justin Agustin, Marby Bartolome, Jerson Resurrecion, at Narciso Calayag Jr. matapos bagsakan ng gumuhong pader ang kanilang sinasakyang bangka sa kasagsagan ng masamang panahon noong Setyembre 25, 2022 sa San Miguel, Bulacan.

“The courage and selflessness of these heroes continue to inspire us all,” ani Rep. Yedda Romualdez. “We are dedicated to honoring their legacy by supporting their families and acknowledging their sacrifice.”

Pinuntahan ng mga tauhan ng Tingog Partylist at Office of the Speaker katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang naulilang pamilya ng mga itinuturing na bayani upang bigyan ng financial assistance at grocery packs.

Ang Tingog Partylist katuwang ang tanggapan ni Speaker Romualdez, iba’t ibang ahensya, at mga lokal na pamahalaan ay nangako na ipagpapatuloy ang kanilang pagsuporta sa mga komunidad at pamilyang nangangailangan ng tulong.