Calendar
Kalusugan, kapakanan ng PRO4A binigyang diin sa medical activity

KAMPO VICENTE LIM, Calamba City, Laguna — Kalusugan at kapakanan ng mga pulis at miyembro ng Police Regional Office 4A (PRO 4A) ang binigyang-diin sa dalawang araw na medical activity na ginanap sa PNPTI Gymnasium sa sa nabanggit na kampo.
Sa ilalim ng pamumuno ni PRO 4A Regional Director PBGen Dominic L. Baccay, matagumpay na nailunsad ang “Serbisyong Pangkalusugan para sa PRO 4A at Iba Pang Support Units” nitong Oktubre 14–15, 2026.
Ang nasabing aktibidad ay inorganisa ng Regional Medical and Dental Unit 4A (RMDU 4A) katuwang ang UNILAB sa pamamagitan ng programang “Bayanihan sa Kalusugan.”
Nabatid na layunin ng programa na itaguyod ang health awareness at tiyaking fit at malusog ang mga uniformed at non-uniformed personnel upang makapaghatid ng mas epektibo at maaasahang serbisyo sa publiko.
Suportado rin nito ang “Focused Agenda” ng Chief, PNP at ang “B.E.S.T. Policing Framework” ng PRO 4A.
Giit ng pamunuan ng PRO 4A, ang isang malusog na puwersa ng pulisya ay mas handang maglingkod at magprotekta sa komunidad.

