Calendar
Laguna gob suportado ng HOAs
STA. CRUZ, Laguna–Suportado ng mga homeowners’ associations (HOAs) mula sa Biñan City si Gob. Sol Aragones ng Laguna.
Sa kanilang pagbisita sa provincial capitol noong Oktubre 14, nagpakita ng paninindigan sa gobernadora at sa pamahalaang panlalawigan ang mga HOA members.
“Tuloy lang ang buhay. Ang mahalaga ay tuparin ang tungkulin na ipinagkaloob ninyo mula ng ako’y maging gobernadora,” sabi ng opisyal.
Nagpaabot ng kani-kanilang mensahe ng pasasalamat, tiwala, at suporta ang mga kinatawan ng iba’t-ibang samahan ng mga homeowners mula sa Biñan.
Nagpasalamat din sila sa mga programa at proyekto ng lalawigan sa ilalim ng liderato ni Gob. Aragones.
Ipinagmamalaki ni Gob. Aragones ang mga programang libreng MRI, libreng cataract operation at marami pang iba.
