Sandro

Kamara pinagtibay resolusyon na sumusuporta sa ratipikasyon ng RCEP

226 Views

PINAGTIBAY ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang isang resolusyon na nananawagan sa Senado na agad ratipikahin ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) Agreement.

Ang pinagtibay na House Resolution 728 na akda nina Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos, at Committee on Trade and Industry Chairperson Rep. Mario Vittorio “Marvey” Mariño.

Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Rep. Marcos na makatutulong ang RCEP sa pag-unlad ng bansa dahil itinataguyod nito ang malayang kalakalan sa mga kalahok na bansa.

“It is the duty of our government to rebalance the economic advantages we can gain vis-a-vis the disadvantages and risks we may have to live through should we decide to defer accession to … the RCEP,” sabi pa ni Rep. Marcos.

Sa ilalim ng RCEP ay mas magiging madali rin umano ang pagbebenta ng mga produkto ng mga lokal na kompanya sa ibang bansa.