Robes

Kampanya ni Robes para maging HUC ang SJDM inilunsad

168 Views

INILUNSAD ni San Jose del Monte City Lone Dist. Congresswoman Florida “Rida” P. Robes ang kampanya nito para magkaroon ng transformation o pagbabagong anyo ng nasabing Lungsod bilang isang “highly urbanized city” kaugnay sa ika-18th annual celebration ng Tanglawan Festival.

Ipinaliwanag ni Robes na naa-angkop lamang sa pagdiriwang nila ng “Tanglawan Festival” ang pagnanais ng kaniyang mga kababayan na mas lalo pang pa-igtingin at pag-alabin ang kanilang hangarin na umunlad ang San Jose Del Monte City tulad ng isang tanglaw na ang ibig sabihin ay ilaw.

Sinabi ni Robes na tumatalima ang SJDM sa tinatawag na “prescribed parameters” o mga itinakdang alituntunin para maging Highly Urbanized City ang Lungsod.

Binigyang diin ni Robes na kinakailangan talagang mabago ang kasalukuyang kalagayan ng SJDM para maging isang HUC. Sapagkat lumalaki aniya ang populasyon nito at naging qualified naman para maging HUC.

“Kapag tayo ay competent city lamang medyo maliit ang ating pagkukuhanan ng paglilingkod at serbisyo sa ating mamamyan. Habang lumalaki ang populasyon lumalaki din ang pangangailangan,” ayon kay Robes.