Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Karambola na ikinasugat ng 3 nauwi sa aregluhan

Edd Reyes Dec 28, 2024
112 Views

NAUWI sa aregluhan ang karambola ng apat na sasakyan na ikinasugat ng tatlo katao noong Biyernes sa Muntinlupa City.

Sa inisyal na ulat, bigla na lang nagka-aberya ang truck na tumatahak sa South Luzon Expressway sa Alabang, Muntinlupa dakong alas-9:00 ng gabi kaya mabundol ang nasa unahang van na may kargang mga saging.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumaob ang van matapos mahagip ang concrete barrier kaya bumangga naman ang dalawa pang hindi tinukoy na sasakyan sa southbound lane na patungo ng Laguna.

Sugatan ang driver at dalawang pahinante ng van ng saging.

Dinala sa sub-office ng Highway Patrol Group (HPG) ang driver ng truck para sampahan ng kaso subalit nauwi sa areglo matapos magkasundo ang driver ng truck at mga tsuper at may-ari ng mga naapektuhang sasakyan.