Karen Larawan: Karen Bordador/IG

Karen Bordador may realization sa kanyang ‘selda moments’

117 Views

Sampung taon matapos ang araw na tuluyang nagbago ang kanyang buhay, muling binalikan ni Karen Bordador ang pinagdaanan niyang halos limang taong pagkakakulong at kung paano nito binago ang kanyang pananaw sa buhay.

Sa isang post, sinabi ni Bordador na bago ang insidente noong Agosto 13, 2016, limang taon na siyang radio DJ at nagsisimula nang maramdaman ang pagkawala ng dating sigla sa kanyang trabaho.

Sa kabila ng mga proyekto sa telebisyon, endorsements at iba pang tagumpay, aminado siyang naghahanap siya ng mas malalim na karanasan at karunungan na maibabahagi sa iba.

Ayon kay Bordador, hindi niya inaasahang ang kanyang paghahanap ng “depth” at wisdom ang mauuwi sa halos limang taon sa loob ng kulungan.

Sa halip na tingnan lamang ito bilang pinakamadilim na bahagi ng kanyang buhay, sinabi niyang pinili niyang unawain ang karanasan bilang isang yugto kung saan natutunan niya ang tungkol sa buhay sa likod ng rehas, second chances at mga kuwentong bihirang marinig ng publiko.

Sampung taon matapos ang puntong iyon, sinabi ni Bordador na dala niya ang mga aral mula sa kanyang pinagdaanan habang patuloy na nagsisimula muli.

Aniya, hindi siya hinubog ng panahong iyon para manatiling nakakulong sa nakaraan, kundi para mas maging matatag at magkaroon ng kakayahang tumulong sa mga taong nakararanas din ng mahihirap na sitwasyon. “THAT SEASON DIDN’T DEFINE ME— IT REFINED ME,” saad niya.