Putri Larawan: Miss Earth/IG

Miss Earth Indonesia 2025 pumanaw sa edad 25

139 Views

Pumanaw si Putri Andriani Juficha, ang Miss Earth Indonesia 2025, sa edad na 25. Kinumpirma ng Miss Earth Organization ang kanyang pagpanaw sa isang social media tribute, na inilabas noong Agosto 14, mismong araw na dapat sana niyang ipagdiwang ang kanyang ika-26 na kaarawan.

Hindi pa inilalabas ng pamilya o ng mga organisasyong may kaugnayan sa beauty pageant ang sanhi ng kanyang pagkamatay. Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Miss Earth Organization sa pamilya, mga kaibigan at buong Indonesian community, habang inalala ang kabutihan at positibong impluwensiya ni Juficha.

Kinatawan ni Juficha ang Indonesia sa Miss Earth 2025, na ginanap sa Pilipinas noong Nobyembre 2025. Hindi man siya nakapasok sa Top 25, naging bahagi siya ng international pageant na nakatuon sa environmental advocacy.

Bukod sa pagiging beauty queen at modelo, kilala rin si Juficha sa kanyang adbokasiya para sa pangangalaga ng kalikasan. Noong Marso 2026, nakilahok pa siya sa tree-planting activity sa paanan ng Mt. Lokon sa Tomohon, Indonesia, bilang bahagi ng environmental initiatives.

Sa kanilang mensahe, sinabi ng Miss Earth Organization na mananatili sa alaala ng mga nakakilala kay Juficha ang liwanag at kabutihang ibinahagi niya sa maikli niyang panahon sa mundo.