Chiz1

Kashmir attack kinondena ni SP Chiz

21 Views

KINONDENA ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang pag-atake sa Pahalgam, Kashmir na ikinasawi ng 26 na turista.

“We stand with the world in condemning in the strongest terms the recent terror attack on tourists in Pahalgam in the Kashmir region and in demanding justice and accountability for this unconscionable assault on innocent civilians,” sabi ng senador sa isang statement.

Nangyari ang pamamaril noong Abril 22 sa Baisaran area malapit sa Pahalgam, isang sikat na tourist destination sa Jammu at Kashmir, India.

Ayon sa mga awtoridad, pinaputukan ng mga armadong kalalakihan ang isang grupo ng mga turistang Indian.

Itinuturo ang grupong The Resistance Front (TRF) bilang may kagagawan na umano’y konektado sa isang militanteng organisasyong nakabase sa Pakistan.

“We join India and the Filipino-Indian community in commiserating with the families of those who lost their loved ones in this brutal attack as they mourn the lives of 26 people shot dead by terrorists.

Our thoughts are with them and to those who survived this mass murder.”

Dahil sa insidente, muling tumindi ang tensyon sa pagitan ng India at Pakistan.

Itinuro ng mga opisyal ng India ang pananagutan sa mga grupong mula Pakistan, samantalang itinanggi naman ito ng huli.

Sa gitna ng isyu, ipinatupad ng dalawang bansa ang ilang hakbang gaya ng pagsuspinde ng ilang kasunduan at diplomatikong paggalaw.

“As investigation is underway, let calm and peace prevail to de-escalate the tension in that region and allow the wheels of justice run their course,” dagdag ng Senate president.

Nananawagan ang mga pandaigdigang organisasyon na hayaang manaig ang legal na proseso sa halip na lumala pa ang alitan.