Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Kaso ng dengue sa QC bumaba ng 90%

Cory Martinez Apr 10, 2025
26 Views

BUMABA ng 90% ang kaso ng dengue sa Quezon City dahil sa pagtutulungan ng iba’t-ibang stakeholder upang makontrol ang outbreak.

Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Division (CESD) ng QC Health Department, bumaba ang kaso ng dengue sa pagitan ng Pebrero 16 at 22, 2025 mula sa 626 hanggang sa 64 na kaso na naitala noong Abril 2 hanggang 8, 2025.

“This continued decrease in dengue cases is very encouraging but it is not a reason for us to be complacent,” binigyang diin ni Mayor Joy Belmonte.

Dahil sa pagbaba ng mga kaso, na-clear na ang may 123 na barangay mula sa outbreak status pero mayroon pang 19 na barangay na nanatiling nasa loob ng epidemic threshold.

Para maresolba ito, patuloy ang pamahalaang lungsod na magsasagawa ng target intervention sa mga naturang lugar, kabilang na ang clean-up drives, fogging at spraying at larviciding sa mga lugar kung saan ang kaso ng dengue clustered.

Nanatili namang bukas ang mga health center sa mga apektadong barangay kahit na Sabado at Linggo upang matiyak ang walang patid na serbisyo.

“While we have already scaled down our interventions in barangays under low alert, we must continue to keep our communities clean and vigilant—especially when it comes to the health of our children,” ani Belmonte.

Upang maagang ma-detect ang mga kaso, pananatilihin ng lahat ng city health center at ospital ang kanilang designated “fever express lanes” upang mabilis na maasikaso ang mga nagpapakita ng sintomas ng dengue.

Mayroon ding available na libreng dengue test kits sa mga naturang pasilidad.