Kc

KC, Swiss bf nag-unfollow sa social media?

Vinia Vivar Jun 2, 2024
55 Views

Usap-usapan ngayon ng mga netizen kung break na raw ba si KC Concepcion at ang Swiss boyfriend niyang si Mike Wuetrich.

Napansin kasi ng matitinik na Marites na nag-unfollow ang dalawa sa isa’t isa sa social media.

Hindi na rin makita ng netizens sa Instagram account ni Mike ang picture nila ni KC na magkasama back in September, 2023.

Pero makikita pa rin sa IG ni KC ang reels nila ng businessman.

Hindi ito ang unang pagkakataon na natsismis na break na sina KC at Mike. Last April ay may mga ispekulasyon na rin na hiwalay na sila dahil may mga nakapansin na hindi na sila nagpo-post about each other.

Pinuna rin ng netizens na wala si Mike sa birthday celebration ni KC last April 7.

Pero agad namang natigil ang intriga nang i-post ni KC ang bouquet of flowers na natanggap niya mula kay Mike.

“Special thanks to Swizzy, who is in Switzerland, for sending me my first beautiful birthday blooms that lit up the mood and the whole room,” KC wrote in her IG page.

Matatandaan na nagsimulang matsismis ang relasyon ni KC with Mike noong January 2023.