Baril

Kelot di lusot sa dalang baril

Gil Aman Aug 25, 2024
26 Views

HINDI nakalusot ang dalang baril ng 47-anyos na lalaki nang mabuking at mahuli ng mga pulis dakong alas-2:30 ng madaling araw noong Linggo sa Taytay, Rizal.

Nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga pulis nang masita si Alyas Jesus at nabukayo na may dalang baril na walang kaukulang papeles.

Bumigat ang kaso ng suspek nang subukang tumakas matapos makapkapan at nabuking na may dalang bakal na Intratec pistol at magazine na may tatlong bala ng 9 mm.

Dahil dito, nagkaroon pa ng habulan hanggang sa maabutan at maaresto ang suspek ng mga humabol na parak.

Nakadetine ang suspek sa Taytay Custodial Facility habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa Article 151 o “Resistance and Disobedience to a Person in Authority and Their Agents” at RA 10591 o “Comprehensive Firearms Law.”