Posas

Kelot na may boga, droga timbog

31 Views

NASAKOTE ang lalaki sa Brgy. 1 Bontog, Mataas na Kahoy, Batangas dahil sa pag-iingat ng baril at shabu.

Nahuli si alyas Buro dahil sa search warrant ng mga pulis na inisyu ni Executive Judge Agripino Bravo ng RTC Fourth Judicial Region ng Lucena City.

Nakumpiska ng mga otoridad sa suspek ang isang .38 caliber na baril, cylinder loaded, limang live ammunition at .7 gramo ng shabu na may halagang P4,700.