Bigti File photo ni JONJON C. REYES

Kelot nakitang nakabigti matapos hiwalayan ni misis

31 Views

NAKITANG nakabigti ang 29-anyos na service crew matapos umanong hiwalayan ng asawa noong Miyerkules.

Nadiskubre ang nakabiting bangkay ng biktima bandang alas-5:00 ng hapon sa inuupahang apartment sa Brgy. Bahay Toro, Quezon City.

Bago natagpuan ang bangkay ng biktima nagtungo umano ito kasama ang misis sa Brgy. Alicia upang pag-usapan ang kanilang paghihiwalay.

Nitong Huwebes ng hapon, nagtungo ang mga opisyal ng barangay para payuhan ang mag-asawa subalit halos ilang minuto na umano silang kumakatok sa pinto wala pa ring nagbubukas ng pinto

Dahil dito sumilip ang mga tanod sa bahagyang nakabukas na bintana at doon nakita ang nakabigting biktima.

Sapilitang binuksan ng mga tanod ang pinto pero nang maibaba sa pagkakabigti ang biktima wala na itong buhay.