Calendar

Provincial
Kelot nangholdap ng gas station gamit toy gun, huli
Gil Aman
Aug 18, 2024
190
Views
ARESTADO ang isang suspek sa pangho-holdap matapos magtangkang pagnakawan ang Smart Fuel gamit ang toy gun noong Sabado sa Brgy. Sampaloc, Pagsanjan, Laguna.
Ayon sa mga pulis, nagpanggap ang suspek na si alyas Ronald na magpapakarga ng gasolina dakong ala-1:15 ng madaling araw sa Smart Fuel.
Matapos makargahan ang kanyang motorsiklo, doon na binunot ang bitbit niyang toy gun at itinutok sa gasoline boy at pilit kinuha ang pinagbentahan.
Umalma ang pump attendant at cashier na si John Marco Herradura sa suspek at nagpambuno ang dalawa hanggang sa maagaw ang baril.
Rumesponde sina Pat. Palanggao at Pat. Magpantay kaya naaresto ang supek.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.
Pampanga cops rumemate; 8 arestado
May 10, 2025
Aragones No. 1 sa survey sa kabila ng mga paninira
May 10, 2025
Obrero tinodas; 2 suspek laglag
May 9, 2025
Naaagnas na bangkay ng kelot nakita sa basement
May 9, 2025
Obrero tinodas; 2 suspek laglag
May 9, 2025