Biktima Sinisiyasat ng mga awtoridad ang saksak ng biktima sa hita na nagresulta sa pagkamatay niya sa Tondo, Manila. Kuha ni JONJON C. REYES

Kelot todas sa kadyot

Jon-jon Reyes May 13, 2025
12 Views

PATAY ang 41-anyos na lalaki ng masaksak ng basag na bote sa Moriones St., Tondo, Manila noong Martes ng makialam at mang-awat sa riot doon.

Naisugod pa sa Gat Andres Bonifacio Medical Hospital ang biktimang si alyas Brian subalit namatay din bandang alas-6:00 ng umaga.

Hindi matukoy ng mga pulis kung sino sa mga kabataan ang sumaksak sa biktima

Sa ulat ni Det. Boy Niño Baladjay kat Police Captain Dennis Turla, hepe ng Homicide Section ng Manila Police District, bandang alas-4:50 ng umaga ng sumiklab ang riot sa naturang lugar.

Ayon sa isang testigo, kinompronta ng biktima ang grupo ng mga kabataan habang nag aaway ng bigla umanong saksakin ng basag na bote sa kanang hita.

Namatay ang biktima dahil sa malakas na bulwak ng dugo.