Knife File photo ni JONJON C. REYES

Kelot utas sa kadyot; suspek isinuko

36 Views

ISINUKO sa mga pulis ang lalaking nanaksak at nakapatay ng isang biktima sa Purok 2, Brgy San Francisco, Sto. Tomas City, Batangas noong Linggo.

Isinuko kina PSsg Louie Matundan at Erwin Javier, duty patrollers ng Sto. Tomas component city police, alas-7:20 ng gabi ang suspek na si alyas Sonny.

Base sa imbestigasyon, bandang alas-12:30 ng hapon sinaksak ng suspek ang biktimang si Alexander Landicho Meera gamit ang kutsilyo nang walang malinaw na dahilan.

Isinugod ang biktima sa Mercado Medical Hospital para magamot ngunit idineklarang dead-on-arrival ni Dra. Melissa B. Malihan.

Ayon sa pamilya ng suspek, dumaranas ng matinding depresyon at laging aburido si alyas Sonny.

Isinuko sa mga otoridad ng kanyang mga kaanak ang suspek para sa kaukulang disposisyon.