Calendar

Kinadyot sa dibdib, tigbak
TIGOK sa isang saksak sa dibdib ang lalaki na sinasabing dayo lang sa isang barangay sa Quezon City noong Lunes.
Nakilala ang biktima sa pamamagitan ng kaniyang driver’s license ID na 32-anyos at residente ng Kalayaan Road, West Rembo, Makati City.
Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-1:15 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Kalye Onse, Sitio San Roque, Brgy., Bagong Pag-Asa, Quezon City.
Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl Ghino Galit, nasa loob umano ng bahay ang isang residente ng marinig ang malakas na boses na humihingi ng tulong.
Nang kaniyang usisain, nakita niya ang duguang biktima na nakahandusay sa lupa at walang malay.
Agad na inireport ng saksi sa mga pulis ang insidente at isinugod sa Quezon City General Hospital ang biktima pero idineklara na itong dead-on-arrival ng doktor.