Advisory

Klase sinuspinde sa Batangas dahil kay Enteng

129 Views

SINUSPINDE at ginawang modular distance learning noong Lunes ang klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa buong Batangas dahil sa bagyong Enteng base sa utos ni Gob. Hermilando Mandanas.

Ipinarating ang suspensyon ng klase sa buong lalawigan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (BPDRRMC) at Department of Education (DepEd).