Calendar
Kongreso siniyasat smuggling ng produktong agri
NAGSAGAWA ng imbestigasyon ang House Committee on Agriculture and Food kaugnay sa umano’y smuggling sa mga produktong agrikultura sa bansa.
Isinagawa ang imbestigasyon alinsunod sa House Resolution No. 2282 na isinulong ni MAGSASAKA Party List Rep. Argel Joseph Cabatbat upang siyasatin hindi lamang ang smuggling sa mga “agricultural products” kundi maging sa kasalukuyang katayuan ng mga “boarder inspections” at mga pasilidad nito.
Tiniyak naman ni Cong. Eric Go Yap, na bagama’t patapos na ang session ng 18th Congress hindi naman ito nangangahulugan na hindi na nila tututukan ang resolusyong inihain ni Cabatbat.
Sinabi ng kongresista na gagawing prayoridad ng 19th Congress ang nasabing Resolution upang papanagutin ang mga taong nasa likod ng palasak na smuggling sa mga produktong pang-agrikultura.
“The entry and distribution of smuggled vegetable hurdles our endeavor to empower our local farmers and to achieve self-sufficiency,” paliwanag ni Yap.
Sinabi pa ni Yap na malaki ang ikinalulugi ng mga local farmers dahil sa ilegal na pagpasok o pagpupuslit ng mga imported na produktong agrikultura partikular na sa lalawigan ng Benguet.
Kung saan, napipilitan ang mga magsasaka dito na ibaba sa napakamurang halaga ang kanilang mga produkto.