Ambush

Konsehal dedo sa pamamaril; 2 suspek ‘di nahuli

21 Views

TODAS ang isang konsehal ng barangay sa San Juan, Batangas noong Mayo 29 ng barilin ng dalawang hindi nakilala at nakatakas na suspek.

Ayon sa report, dakong alas-2:50 ng hapon ng barilin ang biktimang si alyas Fernando.

Nagsagawa ng dragnet ang San Juan police at mga karatig na police stations sa pamumuno ni P/Maj. Ernesto Chavez, officer-in-charge ng San Juan police, para mahuli ang dalawang suspek na sinasabing naka-pantalon at itim at pulang jacket.

Nakatakas ang mga suspek matapos ang pamamaril sakay ng pulang motor patungo sa Rosario, Batangas.

Narekober ng mga awtoridad ang pitong basyo ng bala ng kalibre .45 at dalawang tingga sa crime scene.

Nananawagan ang San Juan police sa publiko na ipagbigay-alam ang anumang impormasyon ukol sa kinaroroonan ng mga suspek sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.