DFA

Kontribusyon ng PH seafarers sa kapayapaan, kaunlaran kinilala ng DFA

Edd Reyes Sep 28, 2024
47 Views

NAGBIGAY pugay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga marinong Pinoy dahil sa kanilang kontribusyon sa pandaigdigang kapayapaan at kaunlaran sa pagdiriwang ng World Maritime Day.

“We express our gratitude to all those involved in the maritime sector, from ship owners and operators to port authorities, manning agencies and maritime professionals,” pahayag ng DFA.

“More importantly, we wish to highlight the competence, dedication and professionalism of our Filipino seafarers who navigate the vast oceans and seas as the backbone of the international maritime industry.

Their efforts cultivate the economic interdependence of countries, steady global supply chains and nurture people-to-­people exchanges,” sabi sa kalatas ng ahensiya.

Sabi pa ng DFA, ito ang dahilan kung bakit ipinagpapatuloy ng Pilipinas ang pagkakaloob ng pinakamahalagang prayoridad sa kaligtasan ng mga marinong Pinoy kasabay ng pagkuha ng pagkakataon na muling manawagan sa International Maritime Organisation (IMO), United Nations Security Council, at iba pa, ng paggalang sa paggamit ng mga karapatan at kalayaan sa paglalayag at agarang pagpapalaya sa mga binihag na marino na sakay ng Galaxy Leader.

Labis ang pasasalamat ng DFA sa pandaigdigang sektor ng paglalayag sa dagat dahil sa kanilang pagbibigay ng paggalang sa karapatan ng mga marino na tanggihang maglayag sa mga lugar na may mataas ang panganib sa buhay.

Pinasalamatan din ng DFA ang kanilang kasama sa United Nations Human Rights Council sa kanilang pakikiisa na mapagtibay ang Resolution (A/HRC/56/L.4) na may titulong “Promoting and Protecting the Enjoyment of Human Rights by Seafarers.”

Magkakaloob ng ligtas, disenteng pamumuhay, at maayos na kondisyon ng trabaho sa paglalayag sa karagatan na kanilang karapatan.

Ayon pa sa DFA, bilang saligan sa malawak na karagatan ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), ipagpapatuloy ng Pilipinas ang pagtataguyod sa praktikal na kooperasyon sa mga Estado at stakeolders upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga marino na may nararapat na pagsasaalang-alang sa pangangalaga at proteksiyon ng kapaligirang dagat.

“As we celebrate World Maritime Day, the Philippines calls on all States and stakeholders to reaffirm and mobilize action on their commitments towards promoting a safe, secure and sustainable maritime sector.

And let us all continue to advocate for the rights and welfare of our seafarers, ensuring that they are treated fairly, with dignity and with respect,” panawagan pa ng DFA.