La Salle La Salle: Kampeon sa PBA D-League. PBA photo

La Salle kampeon sa PBA D-League

Theodore Jurado Sep 1, 2022
228 Views

NAKAPAGPAHINGA para sa mabigat na laban, inangkin ng EcoOil-La Salle ang PBA D-League Aspirants’ Cup matapos ang wire-to-wire 91-78 win kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Sariwa mula sa week-long break matapos ang 70-63 Game 2 win, sumalang ang Green Archers na sariwa upang mamayani sa best-of-three series, 2-1, na siyang magpapataas sa kanilang kumpiyansa sa darating na UAAP season sa October.

“Definitely,” sabi ni EcoOil-La Salle coach Derrick Pumaren, na binigyan ang kanyang tropa ng two-day break matapos masibak sa kontensiyon ang kanyang koponan sa isa pang off-season league. “It’s more of trying to recover and I think it paid off. I wanted them to stay sharp and I think we did it.”

Lumayo ang Green Archers sa 49-34 sa first half at pinalobo ang kalamangan sa 21 points, 74-53, bago mahawi ang pagresbak ng Skippers sa final period.

Ang two-time UAAP champion sa La Salle, ito ang unang major title ni Pumaren magmula nang manalo ng dalawang sunod para sa defunct PBA club Sunkist sa 1995.

Ito ay nagsilbing redemption para sa Pumaren, na pumasok rin sa D-League Finals sa pamamagitan ng improbable fashion noong 2019, nang matalo ang kanyang seven-man Centro Escolar University sa powerhouse Cignal-Ateneo sa apat na laro.

“I’m happy that we won,” sabi ni Pumaren, ang ikalawang coach matapos ni Boyet Fernandez na manalo ng PBA (Sta. Lucia) at D-League (NLEX) titles. “I fell short when I was in CEU when I was playing Ateneo, the mighty Ateneo, playing with only seven guys.”

“I’m really proud with the way the guys played today and they played their hearts out. They really played their A-game. The best game so far so far for La Salle,” aniya.

Solido si Schonny Winston para sa Green Archers na may 16 points, limang rebounds, limang assists at tatlong steals habang naitala ni Mike Phillips ang kanyang ikalawang sunod na double-double na may 15 points at 16 rebounds bukod sa tatlong assists at tatlong steals.

Sa kanyang pinakamagandang laro para sa La Salle, bumuslo si Mark Nonoy ng 15 points kabilang ang tatlong triples habang nag-ambag si Evan Nelle ng 13 points, limang rebounds at limang assists.

Hindi inasahan ng Marinerong Pilipino si Jollo Go, na napatalsik sa laro sa 8:53 mark ng third matapos suntukin si EcoOil-La Salle’s Ben Phillips sa groin. Umiskor lamang si Go, na may 21 points sa Game 2 loss, ng dalawang puntos at gumawa ng tatlong turnovers sa 12 minutong paglalaro.

Tumipa si MVP Juan Gomez de Liaño ng 30 points, anim na boards at tatlong assists subalit gumawa ng siyam na turnovers para sa Skippers, na naging runner-up honors sa ikalawang sunod na conference.

Sina Mapua standouts Rence Nocum at Arvin Gamboa ang iba pang Marinerong Pilipino double-digit scorers na may 18 at 12 points, ayon sa pagkakasunod.

Iskor:

EcoOil-DLSU (91) — Winston 16, M. Phillips 15, Nonoy 15, Nelle 13, Austria 8, Manuel 7, Quiambao 6, Nwankwo 6, B. Phillips 5, Macalalag 0.
Marinero (78) — Gomez de Liaño 30, Nocum 18, Gamboa 12, Soberano 7, Manlangit 5, Cariño 2, Go 2, Pido 2, Bonifacio 0, Bonsubre 0, Agustin 0.
Quarterscores: 25-19, 51-36, 74-57, 91-78.