Suarez

LAKAS papasok sa koalisyon kasama ang PFP sa Miyerkoles—Suarez

138 Views

Ang LAKAS-CMD, ang pinakamalaking partido politikal sa bansa ngayon, ay makikipag-alyansa sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Miyerkoles bilang paghahanda sa paparating na 2025 midterm elections.

Ayon kay Deputy Speaker at Quezon Province Rep. David “Jayjay” Suarez, na tumatayong spokesman ng LAKAS, ang koalisyon ay bukas sa lahat ng partido na handang isulong ang mga layunin ng administrasyong Marcos.

“As the spokesperson of LAKAS-CMD, we will be forging our alliance with Partido Federal on Wednesday,” ani Suarez sa isang daily press briefing sa Kamara de Representantes noong Lunes.

“And we look forward to establishing and building on this alliance because, number one, we share common values, we share a lot of commonalities when it comes to ideology, and, of course, we carry the Presidents banner, calling for unity, development and progress,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Suarez na mahalaga na ang mga sasaling partido sa koalisyon ay naniniwala at sumusuporta sa mga adbokasiya at programa ni Pangulong Marcos at administrasyon nito.

“You know forming an alliance is an easy task but carrying the burden and the responsibility of it has to be followed as well. So hindi ka puwede na alliance out of comfort. Dapat alliance ka because of progress at kung progress at development ang pag-uusapan natin dapat sumasang-ayon ka,” sabi ni Suarez.

“Dapat nanduon ka sa posisyon ng Pangulo dahil iyon ang ka-alyansa mo. Saan ka naman nakakita ng kaalyansa mo na hindi kayo nagkakasundo at hindi kayo nagkaka-ugnay sa mga polisiya?” tanong pa ng kongresista.

Sinabi ni Suarez na dapat nagkakaisa ang layunin ng mga miyembro ng koalisyon.

“I think this should be the basis of unity for all the other political parties that want to align with the PFP. It is also vital for us na makita din po natin itong alliances not only on the national level, but also on the provincial and local levels as well,” saad pa nito.

“As we have seen when it comes to the implementations of programs and projects, we need to see alignment also when it comes to support and when it comes to proper implementation and execution. We do look forward to this alliance and I do hope that the other political parties will follow soon,” wika pa ng mambabatas.

Sinabi naman ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, isang miyembro ng LAKAS, na pagkakaisa ang isa sa mga isinusulong ng administrasyon.

“In unity, there is strength, hindi ba? Unity in diversity doesn’t necessarily mean that since you have your own platform, your own advocacies, it doesn’t mean that we can’t compromise, and you can join forces together to work for the betterment of the country,” sabi ni Adiong.

“Anybody is welcome, pero iyong mga partido po dapat naka-align po sa priority ng ating administration. Mahirap naman po din na kung halimbawa, may sinusulong ang ating Presidente tapos taliwas ang inyong posisyon doon,” pagpapatuloy nito.

Ayon naman kay Manila Rep. Joel Chua, ang nag-iisang miyembro ng Aksyon Demokratiko sa Kamara na ipagpapasalamat nito kung maisasama ang kayang partido sa koalisyon.

“Naniniwala naman po ako na dapat lahat naman po tayo nagtutulungan. Ang banner na binabandera po ng ating pangulo ay unity, so kung lahat po ng naniniwala sa agenda, sa programa, at sa administrasyon ng Pangulo, tingin ko dapat nagkakaisa po talaga. Kaya malaking bagay po ito para sa amin,” saad ni Chua.