Patay

Lalaki nakitang tadtad ng saksak, bangkay na sa loob ng van

Jon-jon Reyes Jul 7, 2026
82 Views

Patay1Patay2Patay3Patay4Patay5DAHIL sa umaagos na dugo na nagmula sa loob ng utility van,natagpuan ang isang lalaki na puno ng saksak at balot ng dugo Sabado ng umaga sa Tondo, Manila.

Ang biktima ay nakitang nakadapa, puno ng dugo at walang suot na pang-itaas na damit sa likurang bahagi ng van na nakaparada sa loob ng bodega sa kanto ng Ilaw at Paulino Streets, Barangay 135, Balut, Tondo, Maynila.

Nakilala ang biktima na si alyas Jener, nasa hustong gulang, tubong-Himamaylan, Negros Oriental, at huling nanirahan sa kanto ng Ilaw at Paulino Streets, Barangay 135, Balut, Tondo.

Naaresto naman ng mga operatiba ng MPD sa follow-up operation ang suspek na nakilalang si alyas Romeo, 43, binata, helper, at residente din sa nasabing lugar,.

Ayon kay Police Major Dave Garcia, hepe ng MPD Homicide Section, bandang 6:10 ng umaga nang makatanggap sila ng tawag sa telepono tungkol sa bangkay ng biktima na nakita sa loob ng van.

Natagpuan ng mga rumespondeng pulis na pinamununa ni PSSg Jerwin B. Locloc , station investigator, ang bangkay, kung saan natagpuan ang biktima, kinordon ang crime scene at nagsagawa ng pagsisiyasat.

Ang biktima ay nakasuot na itim na shorts at walang atjhgfds walang sapin sa paa. Sa mabilisang pagsusuri sa katawan, natuklasang mayroon itong maraming saksak.

Ang SOCO Team sa pamumuno ni PCPT Ricky G. Bacsal ay nagsagawa ng forensic processing sa crime scene.

Base sa salaysay ng saksi na si Ginang Marita, lumabas ito sa kanyang tirahan upang magtapon ng basura. Napadaan ito sa nakaparadang utility van kung saan nasa loob ang duguang bangkay.

Agad siyang humingi ng tulong ang saksi sa mga kalapit na manggagawa, na agad na nag-ulat ng insidente sa mga awtoridad ng Barangay at sa istasyon ng pulisya,

Sa karagdagang imbestigasyon, natuklasan na ang biktima ay huling nakitang buhay bandang 9:20 ng gabi nitong Hulyo 3, 2026,ayon pa sa report kay Major. Garcia

“Ang biktima ay naki-pag inuman. Tapos bandang 9 ng gabi tumuloy na ang biktima kung saan siya natutulog kung saan nga sa may closed van na yun. Pagkatapos kumain ito ng hapunan at tumungo sa nabanggit na lugar kung saan siya karaniwang natutulog,” ayon sa imbestikgasyon.

Nagsagawa ng follow up operation bandang 9:30 ng umaga noong Hulyo 5, 2026 ang mga tauhan ng Homicide Section sa pamumuno ni PMaj. Garcia kasama sina PMSg Archie C. Victorino, Pat Butch Bing-Bong G. Baladjay, at PCMS Jayson I. Ibasco.

Ang suspek sa Room 421, Building 14, Permanent Housing, Brgy. 128, Balut, Tondo, Manila. Isinagawa ang pag-aresto nina Pat Bryan M. Dacir at Pat Francis Stephen Jhon M. Torres, na kapwa tauhan ng Smokey Mountain PCP, Raxabago Police Station.

Patuloy pang iniimbistigahan ang suspek at inaalam kung ano ang motibo ng pagpatay sa biktima. Ayon pa sa karagdagan detalye, sinabi ni PMaj. na mayroong parehong insidente sa Guimas pero ito ay kinukumpirma pa.