Ortiz

Land Bank ibinaba fund transfer fee

Neil Louis Tayo Jun 15, 2023
252 Views

IBINABA ng Land Bank of the Philippines (Land Bank) ang singil nito sa fund transfer transaction sa pamamagitan ng InstaPay.

Simula Hunyo 15, ang singil ng Land Bank ay P15 na lang mula sa P25.

“By lowering fund transfer rate, more customers will benefit from the convenience and efficiency of our products. This is part of our commitment to provide accessible and affordable digital banking solutions, and to help expand financial inclusion,” ani Land Bank President at CEO Lynette V. Ortiz.

Ang digital fund transfer ay magagawa sa pamamagitan ng LANDBANK Mobile Banking App (MBA) at iAccess para sa retail clients, at weAccess para sa Corporate Accounts.

Sa unang tatlong buwan ng 2023, umabot sa P265.7 bilyon ang halaga na dumaan sa tatlong digital platform ng Land Bank.

Ang pagbaba sa singil ay bahagi umano ng financial inclusion agenda ng gobyerno.

Ang Land Bank ay pagmamay-ari ng gobyerno.