Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Lani

Lani, Kumasa kay Nonoy

Jun Nardo Feb 24, 2022
596 Views

SASABAK na si Lani Misalucha sa concert arena.

Magkasama sila ng singer na si Nonoy Zuñiga sa series of concerts na Timeless Seasons sa ilang bahagi ng Amerika.

Magaling na marahil ang nangyaring defect sa pandinig ni Lani kaya puwede na siyang kumasa kay Nonoy sa kantahan.

Naging dahilan ang kawalan ng pandinig ng Asia’s Nightigale kaya hindi niya natapos ang stint sa pagiging judge sa The Clash ng GMA 7.

Ang Timeless Seasons concert nina Lani at Nonoy ay iikot sa Saban Theater, Beverly Hills (March 20), Seattle (March 26), Pala Casino(April 2), San Mateo at Bally’s Casino, Atlantic City (April 9) at April 11, San Mateo, CA.

Handog ito ng LA’s top producer na Amore Entertainment.

Makakasama sa ilang leg ng concert sina Jed Madela at Louie Reyes.