Lapid

Lapid sumusuporta sa tourism master plan sa Silangang Samar

77 Views

NANINIWALA sina Senador Lito Lapid at ang kanyang anak na si Mark Lapid, COO ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) sa potensyal ng Samar bilang susunod nang top turismo spot sa bansa.

Ang mag-ama na Lapid ay dumalo sa tourism forum ng mga lokal na pamahalaan ng Samat, mga opisyal ng turismo, at mga estudyante ng turismo sa Eastern Samar State University (ESSU) sa Lungsod ng Borongan kamakailan lamang.

Ipinahayag ni Lapid, tagapangulo ng Senate Committee on Tourism, ang kanyang suporta para sa paglikha ng isang komprehensibong tourism master plan para sa buong lalawigan.

Ipinapromote ni House Minority leader Marcelino Libanan ang isang tourism master plan na magpapalakas ng turismo, kultura, at tradisyon, hindi lamang sa Silangang Samar kundi sa buong rehiyon ng Silangang Visayas.

Binigyang-diin ni Mark Lapid na ang ilang proyekto na magpapalakas sa turismo sa rehiyon ay natapos na at ang iba ay patuloy pang ginagawa sa iba’t ibang bayan at munisipalidad ng Silangang Samar.

Sinasabing napakaraming mga tourist spots sa lalawigan ng Samar na hindi pa nasasaliksik dahil sa kakulangan ng mga pasilidad, transportasyon, kuryente, imprastruktura, at akomodasyon sa mga hotel na kailangan bigyan ng prioridad ng nasyonal at lokal na pamahalaan.

Ayon pa kay Lapid, sa malaot madali ay makikilala ang Samar bilang tourist na destinasyon sa buong mundo dahil sa angkin nitong ganda.

Umabot sa 250 na mga kalahok ang dumalo sa forum, kabilang ang ilang mga mayor, mga municipal tourism officers, mga municipal planning and development officers, at mga estudyante ng turismo mula sa Eastern Samar State University (ESSU).