Barbers

Layunin ng Quad Committee na lumabas ang katotohanan — Barbers

Mar Rodriguez Aug 24, 2024
65 Views

๐—ก๐—”๐—ก๐—œ๐—ก๐—œ๐——๐—œ๐—š๐—”๐—ก ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ผ๐˜‚๐˜€๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ฒ ๐—ผ๐—ป ๐——๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ๐˜‚๐˜€ ๐——๐—ฟ๐˜‚๐—ด๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ถ ๐—ฆ๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ผ ๐—ฑ๐—ฒ๐—น ๐—ก๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฒ ๐Ÿฎ๐—ป๐—ฑ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜. ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐—ฅ๐—ผ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ ๐—”๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฆ. ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ-๐—น๐—ฎ๐˜†๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ค๐˜‚๐—ฎ๐—ฑ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ฒ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฒ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฒ๐˜€ ๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ผ๐˜๐—ผ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐˜†๐˜‚ ๐—ป๐—ฎ ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ฏ๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฏ ๐—ป๐—ฎ ๐—ž๐—ผ๐—บ๐—ถ๐˜๐—ฒ.

Ito ang muling binigyang diin ni Barbers sa gitna ng mga pinalulutang na alingas-ngas at alegasyon ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang isinasagawang pagsisiyasat ng Quad Committe ay isang “political persecution” lamang laban sa kaniyang pamilya.

Dahil dito, agad na dumepensa si Barbers sa pagsasabing ang katotohanan aniya ang nais malaman ng Quad Committee patungkol sa mga pangunahing usapin gaya ng Extra-Judicial Killings (EJK), war-on-drugs campaign ng nakalipas na administrasyon at ang illegal operations ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Sabi pa ni Barbers na walang katotohanan at pawang haka-haka lamang ang mga pinalulutang ng kampo ng dating Pangulo kung saan ipinagkakalat aniya nila na ang puntirya ng kanilang isinasagawang imbestigasyon ay ang pamilya Duterte.

Pagdidiin pa ng kongresista na kung sa pagpapatuloy ng kanilang pagsisiyasat ay may mga masasagasaan at matatamaan para lumabas ang katotohanan ay iyon ang kanilang pangangatawanan.

Paliwanag ni Barbers na ang pinaka-objective ng kanilang imbestigasyon ay ang mabigyan ng katarungan ang mga napatay na inosenteng sibilyan at ilang indibiduwal kaugnay sa madugong war-on-drugs ng nakalipas na adninistrasyon.

“Kung mayroong along the way na may matatamaan o kaya ay may masasagasaan at kung iyan ang magpapalabas ng katotohanan. Iyan po ang aming ilalabas at pangangatawanan,” sabi pa ni Barbers.