Legarda tess Lardizabal Attachments5:43 PM (9 minutes ago) to Manuel, Tonight, me Source: Edcom2

Legarda nag-alala sa lumalalang functional illiteracy sa mga nagtapos

18 Views

NAGPAHAYAG ng matinding pag-aalala si Senadora Loren Legarda kaugnay ng nakababahalang resulta ng isang bagong survey mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) na nagsasabing 18.9 milyong Pilipino na nagtapos ng basic education mula 2019 hanggang 2024 ay itinuturing na functionally illiterate.

Ipinahayag ito sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Basic Education na pinangunahan ni Senador Sherwin Gatchalian, kung saan inilahad ang paunang resulta ng 2024 Functional Literacy, Education and Mass Media Survey (FLEMMS).

Ayon sa pag-aaral, ang functional literacy ay hindi lamang kakayahang bumasa at sumulat, kundi pati ang pag-unawa at pagbibigay-kahulugan sa impormasyon.

“This is a painful indictment of our education system,” ani Legarda, na binigyang-diin ang lumalaking agwat sa pagitan ng pagpasok sa paaralan at ang tunay na pag-unawa ng mga mag-aaral.

Ipinunto niyang hindi na sapat ang diploma upang masabing may saysay at lalim ang natutunan ng mga mag-aaral.

Iginiit pa ng senadora na ang functional illiteracy ay seryosong banta sa kaunlaran ng bansa—na maaaring magdulot ng mahinang kakayahan ng mga manggagawa, pagbaba ng produktibidad, at paglala ng hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan.

“An education system that produces graduates without comprehension skills cannot be expected to produce a workforce capable of competing, innovating, or engaging meaningfully in democratic life,” dagdag pa niya.

Dahil dito, iminungkahi ni Legarda ang agarang pagpapatupad ng mga interbensyong nakatuon sa mga lugar na may pinakamataas na kaso ng functional illiteracy.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng matibay na pundasyon sa pagkatuto, lalo na sa unang tatlong baitang ng elementarya.

Sa katunayan, idiniin ng senadora ang pangangailangan ng sistemikong mga reporma—kabilang ang pagpapabuti ng imprastruktura ng mga paaralan, pagkuha ng mga kwalipikadong guro, at pagkakaloob ng sapat na pondo upang mapabuti ang kalidad ng pagtuturo.

Kaugnay nito, kinilala rin ang papel ni Legarda bilang isa sa mga pangunahing may-akda ng Republic Act No. 12028 o ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program Act.