NCAA

Letran, San Beda hindi mapigil

269 Views

LUMAPIT ang Letran at San Beda sa pagkamit ng dalawang Final Four berths matapos idispatsa ang kani-kanilang katunggali sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa La Salle Greenhills Gym.

Nagpakawala si Season 95 Finals MVP Fran Yu ng tatlong tres sa 15-0 finishing run nang talunin ng Knights ang Emilio Aguinaldo College, 83-62, upang mapalawig ang kanilang perfect sa anim.

Nalusutan naman Red Lions ang mainit na paghahabol ng University of Perpetual System Dalta upang itarak ang 78-71 tagumpay at makalapit sa pagkopo ng ika-15 sunod na Final Four appearance.

Ang mainit na shooting ni Yu sa labas ang naging susi aa panalo ng Letran, kung saan naapula ng Knights ang pagresbak ng Generals sa fourth quarter.

Alam ni coach Bonnie Tan na may ilalabas pa si Yu, na tumapos na may 11 points, kung saan naghahanda na ang Letran sa mabibigat na laban kabilang ang April 29 rivalry game kontra sa San Beda.

“Actually ang hinahanap ko sa kanya is yung leadership sa loob ng court, kung paano paganahin yung players niya. Yung teammates niya kung paano lumabas ang laro from shooters to our bigs.

Dapat mapalabas yung laro ng mga teammates niya,” sabi ni Tan.

Nagsumite sina Brent Paraiso at Kurt Reyson ng tig-15 points habang nagdagdag si Rhenz Abando ng 14 points, anim na rebounds at dalawang blocks para sa Knights.

Nabaon sa 17 points sa second half, tinuldukan ng Altas ang 8-0 run sa pamamagitan ng basket ni Lean Martel upang makalapit sa 67-74, may 1:47 sa orasan.

Umiskor si Peter Alfaro ng lay-up mula sa magandang pasa nu Yukien Andrada upang makaluwag ang Lions sa 76-67 @! 1:24 mark.

“We are happy we got this win. We have really preparing hard for Perpetual,” sabi ni coach Boyet Fernandez matapos umangat rin ang San Beda sa 6-0.

Tumipa si James Kwekuteye ng 18 points at dalawang steals habang nagdagdag si Andrada ng 15 points at apat na rebounds para sa Lions.

Ang panalo laban sa Mapua sa Saturday ay siyang magbibigay sa San Beda ng outright passage sa Final Four, at inaabangan na ni Fernandez ang isa sa mga inaabangang match-ups ngayong season.

Pumapangatlo na ang Cardinals na may 5-2 record at may dalawang sunod na panalo.

“Sa totoo lang, isa sa mga strong teams ko ang Mapua. They have been shooting well in the three-point area. We will see what we can do against Mapua,” sabi ni Fernandez.

“For now we will enjoy this win. We will be ready for them, for sure,” aniya.

Bumagsak sa 3-4 ang EAC katabla ang walang larong San Sebastian sa pang-lima.

Nanatili namang nasa labas play-in range ang Altas sa kanilang ikalimang pagkatalo sa pitong laro sa pang-walo. Ang mga koponang pupuwesto sa third hanggang sixth makaraan ang single-

round eliminations ang siyang uusad sa play-in round upang madetermina ang dalawang semifinalists.

Umiskor si Kim Aurin na may 16 points sa reserve role habang nag-ambag si Jielo Razon ng 15 points, pitong rebounds, anim.na assists at tatlong steals para sa Perpetual.

Iskor:

Unang laro

San Beda (78) — Kwekuteye 18, Andrada 15, Amsali 9, Alfaro 9, Cuntapay 6, Ynot 5, Penuela 4, Bahio 4, Jopia 4, Gallego 2, Cometa 2, Villejo 0, Visser 0, Sanchez 0, Abuda 0.

Perpetual (71) — Aurin 16, Razon 15, Pagaran 13, Martel 12, Ferreras 3, Boral 3, Egan 2, Sevilla 2, Abis 2, Omega 2, Cuevas 1, Barcuma 0, Nunez 0, Kawamura 0.

Quarterscores: 16-16, 48-34, 64-50, 78-71

Ikalawang laro

Letran (83) — Paraiso 15, Reyson 15, Abando 14, Yu 11, Ambohot 9, Mina 9, Sangalang 6, Caralipio 4, Fajarito 0, Olivario 0, Javillonar 0, Lantaya 0, Guarino 0, Tolentino 0, Ariar 0.

EAC (62) — Cosejo 13, Maguliano 11, Robin 10, Liwag 8, Taywan 7, Bunyi 5, Luciano 4, Gurtiza 4, Cadua 0, Fuentes 0, An. Doria 0, Ad. Doria 0, Cosa 0, Umpad 0.

Quarterscores: 23-12, 44-25, 63-44, 83-62.