Phivolcs

Leyte niyanig ng magnitude 3.7 lindol

157 Views

ISANG lindol na may lakas na magnitude 3.7 ang yumanig sa Leyte umaga ng Lunes, Mayo 8.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-4:11 ng umaga. Ang epicenter nito ay siyam na kilometro sa kanluran ng bayan ng Javier at may lalim na apat na kilometro.

Naitala ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na Intensity:

Intensity II – Javier, Ormoc City, Mahaplag, at Baybay, sa probinsya ng Leyte.

Intensity I – Dulag, Burauen, at Albuera sa Leyte.