Calendar
Libreng gabay ukol sa US imigrasyon inihanda sa San Francisco

SAN FRANCISCO — Walang dapat ikatakot!
Ito ang tiniyak ng Philippine Consulate General sa San Francisco at University of the Philippines Alumni Association of San Francisco (UPAASF) sa mga Fil-Am na nag-aalala sa mga bagong patakaran sa Amerika.
Isang pagtitipon na pinamagatang “Beyond the Fear” ang gaganapin sa Oktubre 15, 2026, Huwebes, mula 5:00 hanggang 8:00 ng gabi, sa Kalayaan Hall, sa Philippine Center.
Layunin ng libreng kaganapang ito na tulungan ang komunidad ng mga Pilipino na unawain ang mga pinakahuling pagbabago sa immigration policy sa Estados Unidos.
Ayon sa mga organizer, hindi na kailangang pasanin at harapin ng mga Pilipino ang takot na ito nang mag-isa.
Sa pamamagitan ng nasabing pagtitipon, makatatanggap ang mga dadalo ng wasto, malinaw, at praktikal na gabay-legal mula sa mga eksperto.
Malaki ang maitutulong nito upang gabayan ang bawat isa sa ligtas at tamang pagpili ng mga angkop na hakbang para sa kanilang katayuan, ayon sa Konsulado.
