Calendar

Liham ni SP Chiz para maresked impeach presentation sa nasa Kamara na
NATANGGAP na ng Kamara ang Liham ng Senate President ukol sa Pagpapalit ng Petsa ng Presentasyon sa Impeachment ni VP Duterte
Natanggap na ng Kamara de Representantes ang opisyal na liham ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na nakapangalan kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, hinggil sa pagpapalit ng iskedyul ng presentasyon ng House prosecution panel kaugnay ng Articles of Impeachment laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte.
Ang nasabing presentasyon, na orihinal na itinakda sa Hunyo 2, ay inilipat sa bagong petsa na Hunyo 11, ayon sa nilalaman ng liham ni Escudero.
“Natanggap na ng Kamara de Representantes ang opisyal na liham ni Senate President Francis Escudero na ipinadala kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, hinggil sa paglipat ng iskedyul ng presentasyon ng House prosecution panel kaugnay ng Articles of Impeachment laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte, mula Hunyo 2 sa bagong itinakdang petsa na Hunyo 11,” ayon kay House Spokesperson Atty. Princess Abante.
“Ipinasa na ito sa House prosecution panel para sa kanilang nararapat na pag-aksyon,” dagdag pa niya.