Calendar

Lindol na may lakas na magnitude 4.6 yumanig sa Quezon
NIYANIG ng magnitude 5.1 na lindol sa General Nakar, Quezon nitong Martes ng tanghali, Mayo 27.
Ayon sa Phivolcs, nangyari ang lindol bandang 12:17 ng tanghali nitong Martes, na may lalim ng 6 kilometro.
Ang pagyanig ay naramdaman din sa malaking bahagi ng Metro Manila.
Sa Earthquake Information No.1 na ipinalabas ng Phivolcs sinabi nito na 5.1 magnitude ang lakas ng lindol, 12:17 ng tanghali nang maramdaman ang pagyanig, may lalim ito na 6km at ang sentro ng lindol ay sa General Nakar, Quezon.
Subalit sa Earthquake Information No 2 ay ibinaba ang magnitude sa 4.6 at ang lalik ng.lindol ay 10km.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol na naramdaman din sa ilang kalapit probinsya.
Naitala ang Intensity IV sa Makati, Manila, Marikina, San Pedro, Laguna at Tanay Rizal.
Intensity III sa Navotas, Quezon City, Pasay City, San Juan, Taguig, Guiguinto at Malolos sa Bulacan, Palayan, Nueva Ecija; Mabalacat City at Angeles City sa Pampanga, Biñan, Laguna.
Intensity II naman sa Caloocan, Mandaluyong, Paranaque, Valenzuela, Obando, Bulacan at Cabiao, Nueva Ecija.