Rex Gatchalian

Listahanan poverty database papalitan na ng DSWD

174 Views

PAPALITAN na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ginagamit nitong Listahanan poverty database program.

Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian hanggang sa Disyembre na lamang gagamitin ang Listahanan at papalitan ito ng Community Based Monitoring System (CBMS) simula 2024.

“The beauty about next year is the CBMS law that Congress passed. Listahanan will end its life this year. We will no longer be creating another Listahanan. So with CBMS being the main driver for a database, LGUs will be empowered to make it more responsive,” ani Gatchalian.

Ang Listahanan ay ang listahan ng mga mahihirap na target tulungan ng gobyerno.

Upang mas maging epektibo ang pagpili, inaprubahan ng Kongreso ang CBMS Act o Republic Act 11315 kung saan ang Philippine Statistics Authority (PSA) ang mangangasiwa sa database.

Sinabi ni Gatchalian na mas matutukoy sa ilalim ng CBMS ang mga dapat na tulungan.

Paliwanag nito mayroong mga nasa Listahanan na konkreto na ngayon ang bahay at meron namang mga naghihirap na ngayon pero wala sa Listahanan.