Kulong Source: DOJ file photo

Lolo, 72, swak sa selda dahil sa mga kaso ng pangagahasa

Bernard Galang Jun 18, 2025
13 Views

ISANG lolo na wanted sa panggagahasa noong Martes ang naaresto ng isang tracker team mula sa Bulacan police.

Sa ulat kay PRO3 director Brig. Gen Jean Fajardo, kinilala ng Bulacan police ang suspek na si alyas Igme, 72, ng Bgy. Iba Ibayo, Hagonoy, Bulacan.

Inaresto ng mga miyembro ng tracker team ng Hagonoy police ang suspek batay sa warrant na inilabas ng Malolos City RTC para sa statutory rape, rape by sexual assault at four counts of acts of lasciviousness.

Nakakulong na ang suspect sa Hagonoy jail habang hinihintay ang pagbabalik ng warrant of arrest at pagpapalabas ng commitment order.