Arestado Nasa larawan ang mugshots ng mga nahuling suspek na tulak ng droga at wanted persons sa Nueva Ecija.

Loose firearms nakumpiska mula sa 5 suspek sa krimen sa Ecija

Steve A. Gosuico Sep 28, 2024
81 Views

CABANATUAN CITY–Arestado ang isang pinag hinihinalang tulak ng ilegal na droga na may dala pang baril noong Biyernes sa syudad na ito.

Kumpiskado mula sa suspek ang cal. 45 na baril at shabu na nagkakahalaga ng P136,000, ayon sa mga pulis.

Samantala, apat na suspek sa iba’t-ibang krimen ang nasakote at anim na loose firearms ang boluntaryong itinurn-over sa mga awtoridad.

Nahulihan ang mga naarestong suspek ng cal. 45 pistol, siyam na bala at limang plastic sachet na naglalaman ng shabu at may bigat na 20 gramo at nagkakahalaga ng P136,000.

Timbog din ang apat na wanted felons na akusado ng reckless imprudence resulting in damage to property and in homicide and serious physical injuries, qualified trespass to dwelling at qualified theft sa Aliaga, Lupao, at Bongabon.

Naiulat din na anim na loose firearms, kabilang ang tatlong cal. 38, isang shotgun, at dalawang cal.22, ang boluntaryong isinuko sa iba’t-ibang istasyon ng pulisya sa Llanera, Lupao, Nampicuan, San Antonio, Laur at San Isidro.