LPG

LPG may bawas-presyo

172 Views

MAY bawas-presyo ang liquefied petroleum gas (LPG) ngayong buwan.

Inanunsyo ng Petron Corp. na simula Oktobre 1 ay bababa ang presyo ng LPG nito ng P2.55 kada kilo o P28.05 kada 11-kilong tangke.

Ganito rin ang inanunsong pagbaba ng Phoenix Petroleum at Solane.

Magpapatupad din ang Petron at Phoenix ng P1.43 kada litrong rollback sa presyo ng Auto LPG nito.

Ang pagbaba ay dulot ng mas mababang international contract price para sa buwan ng Oktobre.