BI suportado kampanya vs POGOs
Feb 23, 2025
Mag-jowa wiz visible sa socmed mga ganap
Feb 23, 2025
Calendar
Business
LPG may taas-presyo ngayong buwan
Peoples Taliba Editor
Nov 3, 2022
289
Views
MAY pagtaas sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ngayong Nobyembre.
Inanunsyo ng Petron Corp. na magpapatupad ito ng P3.50 kada kilong pagtaas sa LPG simula alas-10 ng gabi ng Nobyembre 1. Ang isang regular na tangke ay may bigat na 11 kilo.
May dagdag naman na P1.96 kada litro sa presyo ng AutoLPG.
Ang pagtaas ay bunsod umano ng pagtaas ng international contract price.
Hindi naman kasama sa magpapatupad ng pagtaas ang mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.