Calendar
Luzon niyanig ng magnitude 5.2 lindol
ISANG lindol na may lakas na magnitude 5.2 ang yumanig sa malaking bahagi ng Luzon umaga ng Sabado, Abril 29.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-12 ng umaga. Ang epicenter nito ay 19 na kilometro sa silangan ng Looc, Occidental Mindoro at may lalim na 74 kilometro.
Naitala ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na magnitude:
Intensity V – Sablayan, at Rizal sa OCCIDENTAL MINDORO
Intensity IV – San Jose at Paluan sa OCCIDENTAL MINDORO; Puerto Galera, City of Calapan at San Teodoro sa ORIENTAL MINDORO
Intensity III – City of Manila; City of Las Piñas; City of Lipa at Batangas City, BATANGAS; Abra De Ilog at Lubang sa OCCIDENTAL MINDORO; Alfonso, CAVITE
Intensity II – Quezon City; City of Pasig; City of Marikina; City of Makati; City of Valenzuela; City of Bacoor, CAVITE; Looc, OCCIDENTAL MINDORO
Intensity I – City of General Trias, CAVITE
Instrumental Intensities:
Intensity IV – Puerto Galera at Calapan City sa ORIENTAL MINDORO
Intensity III – Lemery at Calatagan, BATANGAS; San Ildefonso, BULACAN; City of Tagaytay at Magallanes, CAVITE; City of Las Piñas
Intensity II – Abucay, BATAAN; Batangas City, Cuenca, San Luis, Bauan, Laurel, at Sta. Teresita, BATANGAS; City of Malolos, Marilao, Guiguinto, Calumpit, at Pulilan, BULACAN; Ternate, CAVITE; City of Muntinlupa; Abra De Ilog, OCCIDENTAL MINDORO; Victoria, ORIENTAL MINDORO
Intensity I – Dinalupihan, BATAAN; City of Lipa at Talisay sa BATANGAS; Norzagaray at Obando sa BULACAN; City of San Juan; Pasay City; City of Malabon; City of Parañaque; Pateros, METRO MANILA; Guagua, PAMPANGA; Gumaca at Dolores, QUEZON; Cardona, Angono, at Taytay sa RIZAL; San Antonio, Cabangan, Subic, at City of Olongapo sa ZAMBALES.