PCG

Madrona puspusan pagta-trabaho para sa napapanahong PCG modernization

Mar Rodriguez Mar 8, 2024
120 Views

PCG PCG PCGPUSPUSAN ang pagtatrabaho ng Vice-Chairperson ng House Committee on Transportation at Chairperson ng Technical Working Group (TWG) na si Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona para talakayin ang panukalang batas kaugnay sa modernization ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi ni Madrona, chairman ng House Committee on Tourism, na wala silang sinasayang na sandali sapagkat pinagsusunugan nila ngayon ng kilay para agad na maisalang sa Plenaryo ng Kamara de Representantes ang panukalang batas para sa napapanahong modernization ng PCG.

Ipinaliwanag ni Madrona na ang kasalukuyang ginagawa nila ay ang pagsasa-ayos o ang pag-fine tune sa nasabing panuakala para mapolido ang mga nilalaman nito bago maisalang sa Plenaryo para sa tuluyang pagsasabatas. Inaasahang maipapasa ang panukala bago matapos ang 2024.

Ayon kay Madrona, kabilang sa mga opisyal ng PCG na dumalo sa pagdinig ng TWG para sa isinusulong na Organizational Reforms ng PCG ay sina CGLLA Commander Captain Oliver S. Tanseco, Commander John Stranger D. Lachaona, Jr., Commander Legal Services Captain Donnette Dolina at iba pa.

Ipinabatid pa ni Madrona na matapos ang isinagawang hearing ng Committee on Transportation – TWG. Agad naman siyang nagtungo sa Senado para dumalo sa Public Hearing patungkol sa House Bill No. 9154 na nauna ng inaprubahan ng Kongreso noong nakalipas na November 7, 2023.

Sinabi ng kongresista na layunin ng HB No. 9154 na pagkalooban ng prangkisa ang Romblon Electric Cooperative, Inc. (ROMELCO) para makapag-patayo o reconstruction at makapag-operate ng electric power ang kompanya para sa Munisipalidad ng Banton, Corcuera at Concepcion Romblon.

“The bill was approved on the Committee level and we are optimistic to be approved by the Senate. While Senators Grace Poe, Win Gatchalian and JV Ejercito declared their full support for this measure,” sabi ni Madrona.