Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Patay

Mag-asawa pinagbabaril habang katabi 3 anak; ama dedo, ina sugatan

311 Views

DEAD on the spot ang isang lalaki habang sugatan ang kaniyang misis matapos pagbabarilin ng ‘di kilalang lalaki habang natutulog katabi ang kanilang tatlong anak sa loob ng kanilang barung-barong sa Quezon City nitong Miyerkules ng madaling araw.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 5:50 ng madaling araw nitong Miyerkules (August 13), nang maganap ang insidente sa barung-barong ng mga biktima sa Villareal St., Brgy. Gulod, Novaliches, sa lungsod.

Batay sa imbestigasyon ni P/SMS Joey D Madrid, mahimbing na natutulog ang mag-asawa, at ang tatlo nilang anak nang pumasok sa kanilang barung-barong ang ‘di pa nakikilalang suspek na armado ng baril.

Doon ay paulit-ulit na pinagbabaril ng suspek ang mga biktima saka mabilis na tumakas dala ang ginamit na baril sa pamamaslang.

Agad na namatay ang 33-anyos na biktima habang patuloy pang inoobserbahan sa Quirino Memorial Medical Center ang misis niya sanhi ng tinamong apat na tama ng bala sa katawan.

Nasamsam ng SOCO Team mula sa QCPDFU sa pangunguna ni P/CMS Federico Manzano ang anim na basyo ng bala ng kalibre .45 sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek pati na ang motibo ng krimen.