Phivolcs

Magnitude 4.8 lindol yumanig sa CamNorte

193 Views

ISANG magnitude 4.8 lindol ang yumanig sa Camarines Norte umaga ng Martes, Enero 17.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-5:57 ng umaga.

Ang epicenter nito ay 12 kilometro sa silangan ng Tinaga Island (Vinzons) at may lalim na isang kilometro.

Naitala ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na Intensity:

Intensity V – Mercedes, Camarines Norte

Intensity IV – Guinayangan, at Tagkawayan, Quezon

Intensity III – Buenavista, at Lopez, Quezon; Naga City, Camarines Sur

Intensity II – Catanauan, at San Narciso, Quezon

Instrumental Intensities:

Intensity V – Daet, Camarines Norte

IIntensity III – Jose Panganiban, Camarines Norte; City of Iriga, at Ragay, Camarines Sur; San Roque, Northern Samar

Intensity II – Alabat, Guinayangan, Gumaca, Infanta, Mauban, at Mulanay, Quezon; Pasacao, at Pili, Camarines Sur

Intensity I – City of Marikina; City of Pasig; Pulilan, Bulacan; Calauag, Quezon; at Taytay, Rizal