Phivolcs

Magnitude 5.0 lindol yumanig sa Davao Oriental

156 Views

ISANG lindol na may lakas na magnitude 5.0 ang yumanig sa Davao Oriental) umaga ng Sabado, Marso 18.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-12:11 ng umaga.

Ang epicenter nito ay 155 kilometro sa silangan ng Governor Generoso at may lalim itong 39 kilometro.

May naitalang Intensity I na pagyanig sa City of General Santos; Malungon, Sarangani; at Don Marcelino, Davao Occidental.